HINIMOK ng Metropolitan Manila Development Authority ( MMDA) ang publiko na mag -ingat sa sakit na dengue at leptospirosis ngayong panahon ng tag-ulan.
Sinabi ng MMDA na laganap ang mga nabanggit na sakit ngayong rainy season kaya ugaliing maglinis ng kapaligiran at huwag lumusong sa maruming tubig.
Tuwing tag-ulan, maraming sakit ang maaaring dumapo gaya ng trangkaso, leptospirosis at dengue.
Kaya’t paalala ng ahensiya na huwag hayaang nakaimbak ang mga tubig na posibleng pamahayan ng mga lamok upang maiwasan ang dengue.
Gayundin, inabisuhan ang publiko na magsuot ng bota kung lulusong sa baha para maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng leptospirosis na nakukuha sa ihi ng daga. LIZA SORIANO