MMDA TRAFFIC ENFORCERS NAKAKALAT

MMDA TRAFFIC ENFORCER-2

MAKATI CITY – MAGDADAGDAG ng puwersa ng enforcer ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagmamantina ng daloy ng trapiko sa pagsasara ngayong araw ng Sabado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Estrella-Panteleon Bridge o Rockwell Bridge sa Makati City.

Nagpalabas ng abiso si MMDA EDSA Traffic Czar Bong Nebrija na simula alas-4:00 ng madaling araw ay hindi puwedeng dumaan ng Rockwell Bridge ang mga motorista kung kaya’t makakaranas ang mga ito ng matinding trapik patungong Mandaluyong at Makati.

Sanhi nang pagsasara ng naturang tulay ay asahan na magiging mas mabagal ang biyahe sa EDSA dahil madadagdagan ang volume  ng mga sasakyan na dadaan dito.      MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.