NAKAHANDA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tumulong sa Department of Transportation (DOTr) para sa implementasyon ng ‘No Vax, No Ride’ Policy.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, sumulat sa kanilang tanggapan si Transportation Secretary Art Tugade na humihiling na tulungan sila sa pagpapatupad ng naturang polisiya.
Layunin aniya ng nasabing polisiya na protektahan ang mga hindi bakunado laban sa matinding epekto ng COVID-19 at hindi para gipitin o tanggalan sila ng karapatan.
Simula araw ng Lunes, Enero 17 ay bawal nang sumakay sa anumang public transportation ang mga unvaccinated individual sa Metro Manila, maliban na lamang kung bibili sila ng pagkain o gamot at kung mayroong medical reason. DWIZ882