MMFF 2024 KAKAIBANG TIMPLA

June 14 Ang deadline ng submission ng mga script ng pelikulang gustong lumahok sa 50th Metro Manila Film Festival 2024.

Halos 40 raw ang script na nakaaabot sa deadline, at alam naman nating 10 lamang ang mapipili dito. Yung ibang film producer nga, dalawa hanggang apat na east script ang isinumite para mas malaki ang tsansang mapili.

Pero normal procedure yon. Ang kakaiba ngayon, paglalabanin ang mga bankable at award-winning stars tulas Nina Vice Ganda, Vilma Santos, Judy Ann Santos, Jodi Sta Maria, Maricel Soriano at Hilda Koronel. Tsika pa lang naman ito, pero kapag natuloy, juice colored, bonggacious talaga! As in, abangan ang susunod na kabanata. Sino Ang magwawagi?

Hindi lang yan! May entry daw si Vic Sotto, at hulaan nyo kung sino ang kasama! Si Piolo Pascual lang naman. Keribels nyo?

I’m sure maganda ang movie dahil lahat ng movie ni Papa P, panlaban sa award, at si Bosing Vic naman, laging family oriented. Pero this time daw, hindi comedy ang genre. Action-drama raw.

In fairness, napanood ko na si Vic Sotto na magdrama sa TV. Pwede pasar, pero hindi pang-best actor. Baka si Piolo Ang panlaban nila.

Tuwing Pasko, nakagawian na ng pamilya naming manood ng isang movie na entry sa MMFF. Siguro, sa tagal na namin sa industrya, lagi naming natitiyempuhan ang best picture. Sino kaya sa kanila ang magwawagi?
RLVN