TULAD nang inaasahan ng karamihan, ang mga pelikulang matino at may katuturan lang daw ang mag-uuwi ng karangalan sa ginanap na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2019.
Sa mga category na pinagkalooban ng karangalan ay tatlong pelikulang entry sa MMFF 2019 lang naghakot ng awards.
Parang ipinamukha ng mga naging hurado ay tatlo o apat lang ang may katuturan at matinong pelikula. Ang ibang entries ay basura at walang kuwenta para panoorin at bigyan ng karangalan.
Ang tatlong movie entry na “Mindanao,” “Write About…” , “Sunod” at “Culion” ang humakot ng awards sa Gabi ng Parangal na ginanap sa New Frontier Theater last Friday night.
Pero, kahit humakot ng parangal sa MMFF 2019, nangungulelat sa takilya at mga pelikulang hindi nabigyan o napansin ng mga hurado para bigyan ng karangalan ang siyang dinudumog ng mga tao.
Sa parte ng isang producer ay sigurado kami na mas pipiliin nila na kumita ang kanilang pelikula kaysa magkaroon ng award na wala namang kinita sa takilya as in flopsina, ‘di ba?
AGA MUHLACH TALO MAN SA BEST ACTOR, TUMATABO NAMAN SA TAKILYA ANG PELIKULA
NATALO man at hindi pinansin ang galing ng peformnce ni Aga Muhlach sa pelikulang “Miracle in Cell No. 7” ay sigurado pa rin kami na masaya ito dahil tumatabo sa takilya ang kaniyang pelikula.
Panalo rin sa mga tao ang pelikula ni Aga kaya kahit hindi pinansin ang kanyang acting ng mga huradp sa MMFF 2019 ay winner na winner pa rin ito sa mata ng madlang pipol.
Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang galing ng acting ng buong cast ng movie, particular na si Aga na muling ipinakita ang galing sa drama.
Anyway, wala mang award na natanggap si Aga ay sigurado kami na makakamit din nito ang dapat na karangalan sa ibang award-giving bodies sa bansa.
Comments are closed.