MMFF INIHAYAG NA ANG 8 OFFICIAL ENTRIES PARA SA 1ST SUMMER FESTIVAL

INIHAYAG na ng Metro Manila Film Festival ang Eight (8) Official Entries para sashowbiz eye 1st Summer Festival kamakailan.

Ipinaalam na rin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang Parade of Star ay iho-host ng Quezon City government, sa April 4, bilang pagsisimula ng 1st Summer Filmfest.

Ang screening ng mga official entries ay magsisimula sa April 11, Black Saturday, hanggang sa April 21 in all cinemas nationwide.  Katulong ng QC government ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

Narito ang walong(8) official entries:

(1) A Hard Day ng Viva Communications, starring Dingdong Dantes and John Arcillas, direction by Lawrence Fajardo. Genre action;

(2) The Missing ng Regal Entertainment, Inc. starring Joseph Marco & Ritz Azul, direction by Easy Ferrer. Genre–horror;

(3) Ngayong Kaya ng T-Rex Entertainment Production, Inc. starring Paulino Avelino, Janine Gutierrez, John James Uy, Alwyn Uytingco, Donna Cariaga and Rio Locsin. Direction by Prime Cruz. Genre–romance;

(4) Coming Home ng Maverick Films.  Starring Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Martin del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Ara Arida, Shaira Diaz and Samantha Lopez, direction by Adolfo Alix, Jr. Genre—family drama;

(5) Love or Money by ABS-CBN Film Productions, Inc. Starring Coco Martin and Angelica Panganiban, direction by Mae Czarina Cruz-Alviar; Genre–romantic comedy;

(6) Isa Pang Bahag­hari ng Heaven’s Best Entertainment, starring Nora Aunor, Phillip Salvador, Michael de Mesa, Sanya Lopez and Zanjo Marudo, direction by Joel Lamangan. Genre—familya drama;

(7) Love The Way U Lie  ng Tincan, Ten17P and Viva Films, starring Xian Lim, Alex Gonzaga direction by RC delos Reyes. Genre: romantic comedy and fantasy;

(8) Tagpuan by Alternative Vision (AV) Cinema starring Alfred Vargas, Shaina Magdayao and Iza Calzado Genre: romance.

CENTERSTAGE MAY BAGONG DEFENDING CHAMPION

MAY bagong defending champion ang Centerstage, si Rain Barquin.  Inamin ng mga judges, sina Aicelle Santos, Mel Villena at Pops Fernandez, even the host, Alden Richards, na toughest episode ang naganap noong Sunday, March 1, dahil pare-parehong mahuhusay ang apat na contestants na isa sa kanila ang makakalaban ng defending champion na si Hargie na sa unang dalawang linggo ng original musical competition ay siyang nakakuha ng dalawang Centerstage rings.

Pero kahit mahusay ang performance ni Hargie, mas mahusay ang performance ni Rain, na sa simula pa lamang nang kumanta siya, ay napatayo na sa pagpalakpak ang audience ganoon din ang judges.

Umiyak nang husto si Hargie kaya lumapit sa kanya ang judges.  Hindi raw doon matatapos ang journey ni Hargie sa pagkanta at huwag siyang magsawang sumali sa mga singing contest.  Duty rin kasi ng mga judges at ni Alden na i-console ang mga bata pagkatapos ng bawat contest.  Kaya si Alden, sabi niya ay sasamahan nilang apat si Hargie na mag-bow bilang pagpapaalam, kaya sabay-sabay silang lima na nag-bow.

Ang “Centerstage” ay napanonood every Sunday evening, pagkatapos ng “Daig Kayo Ng Lola Ko, sa GMA Sunday Grande.

RENZ FERNANDEZ KABANGGA NA ANG INANG SI LORNA  SA PRIMETIME

NGAYONG mas maaga na ang timeslot ng “Descendants of the Sun,” after na sila ng “24 Oras,” magkakatapat ang mag-inang Lorna Tolentino at Renz Fernandez.  Si Lorna ay nasa katapat ng DOTS, ang “FPJ: Ang Probinsyano.”  Pero sabi ni Lorna hanggang March, 2020 na raw lamang siya sa serye.

Comments are closed.