MMFF’S FIRST BEST ACTOR JOSEPH ESTRADA PINARANGALAN

Sa halip na makisawsaw tayo sa mga kontrobersya sa Metro Manila Film Festival 2024, batiin na lamang natin si former Philippine President Joseph Estrada na ginawaran ng Lifetime Achievement Award dahil sa pagtatatag niya ng Metro Manila Film Festival limampung taon na ang nakalilipas.

For everybody’s information, si Estrada ang best actor awardee ng 1st Metro Manila Film Festival para sa Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa — isang napakagandang pelikulang maipagmamalaki ng sambayanang Filipino.

Kahit nahihirapan dahil may osteoarthritis si Erap, dumalo pa rin siya sa MMFF ceremony at tinanghal ang kanyang award. For the first time, nagkasundo ang half-brothers na sina Senator Jinggoy Estrada at Jake Ejercito na alalayan ang kanilang amang pumunta sa entablado, pero hindi na pinaakyat si Estrada dahil hirap na hirap na nga itong maglakad.

Buti naman, naawa kayo.

Inabot sa kanya ang parangal, at si Senator Jinggoy na lamang ang nagbasa ng kanyang acceptance speech.

All’s well that ends well.