MOA NG DOH-ILOCOS, LA UNION PARA SA UHC

ILOCOS- NAGKASUNDO sina Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco at La Union Governor Francisco R. Ortega III na lagdaan ang Memorandum of Agreement para sa implementasyon ng Universal Health Care Program para ikauunlad ng provincewide at citywide health system sa nasabing lalawigan.

Sa ginanap na pagpupulong sa provincial capitol ng San Fernando City sa La Union, siniguro ni DOH Regional Director Sydiongco na lahat ng nangangailangan ng health services ay mabibigyan at walang maiiwan.

Sa ilalim ng MOA, ang PGLU ay makatatanggap ng technical at financial support mula sa national government sa implementasyon ng UHC.

Ayon pa kay Sydiongco na mahalagang magtulungan at magkaroob ng mutual trust sa pagitan ng local at national government upang maibigay at walang mapapabayaan pasyente sa ilalim ng UHC ( Section 19 of Republic Act 11223, or Universal Heakth Care Act of 2019).

Sinisiguro ng DOH-Ilocos Region na ang pro­vince-wide o city-wide health system ay magiging epektibo na maihahatid sa lahat ng mamamayan ang health services.

“Because of the pandemic, our efforts slowed down but with the easing of alert level in the whole region, we can now proceed and continue with our plans”, dagdag pa ni Sydiongco.

Nabatid na ang La Union ay kauna-unahang lalawigan na nakipagkasundo sa DOH sa pamamagitan ng MOA kaugnay sa implementasyon ng Universal Health Care programs at committed para sa development ng lokal health service provider networks. MARIO BASCO