MOA PINAGTIBAY NG PDEA-TESDA KONTRA ILLEGAL DRUGS

NILAGDAAN nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkin Villanueva at Technical Education Skills Development Authority (TESDA) Director General/Secretary Isidro Lapena ang pagsasagawa ng drug testing sa mga tauhan ng TESDA.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni Villanueva na ang naturang hakbang nawa ay gayahin din ng ibang ahensiya sa inisyatibo ng TESDA bilang suporta sa programa ng pamahalaan na malansag ang ilegal na droga.

“We hope other government agencies will follow TESDA’s lead. All government agencies must be drug free. This should be the case to ensure an effective and efficient public service free from hazards of drug use,” saad ni Villanueva.

Nagpahayag naman ng suporta si Lapena sa mga isinasagawang kampanya ng PDEA sa patuloy na pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa kung saan maging ang mga kawani ay kasamang isinasailalim sa drug testing alinsunod na rin sa mandatong ipinaiiral ng Civil Service Commission (CSC) sa ilalim ng Memorandum Circular No. 13 Series of 2017 o Guidelines in the Mandatory Random Drug Test for Public Officials and Employees.

Sa ilalim ng nilagdaang MOA, magsasagawa ang PDEA ng libreng drug testing (methamphetamine at tetrahydrocannabinol) sa mga empleyado ng TESDA.

Bukod pa rito, magiging magkatuwang ang PDEA at TESDA sa wastong pagpreserba ng integridad patungkol sa mga nakakalap na sasakyang sangkot sa operasyon ng drug operation bilang ebidensiya.

“There is a need to maintain and preserve the condition of these vehicles in anticipation of its eventual forfeiture in favor of the agency,” dagdag pa ni Villanueva. BENJIE GOMEZ