INILUNSAD na ng pamunuan ng LRT-1 ang “ikotMNL,” na isang mobile app na tumutulong na maayos ang biyahe ng mga pasahero at magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga lugar na puwedeng puntahan sa bawat estasyon.
Ayon kay Juan Alfonso, President and CEO ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), malalaman na ng pasahero sa pamamagitan ng app kung ilang minuto darating ang tren at kung “crowded” o marami ba ang pasahero sa estasyon.
Itinatampok din ng app ang magagandang lugar sa Maynila na maaaring bisitahin ng mga turista habang sila ay sakay ng LRT-1.
Comments are closed.