ISANG mobile app upang matulungan ang mga commuter na ma-navigate ang Light Rail Transit system ang ilulunsad sa Agosto, ayon sa operator ng LRT Line 1.
Sinabi ni Light Rail Manila Corp president and CEO Juan Alfonso na ang app, na magiging available kapwa sa iOS at Android, ay magkakaloob sa mga commuter ng real-time train schedules gamit ang GPS trackers, gayundin ng crowd monitoring feature.
“It helps passengers really navigate through the LRT system. It gives them real-time schedules of when the trains are arriving… With the crowd function if one of riders is beside two stations he can choose between stations with the least amount of traffic,” wika ni Alfonso.
Ang konstruksiyon ng LRT-1 Cavite extension ay makikita na sa mga lansangan sa mga darating na linggo.
Ayon kay Alfonso, ang pondo para sa proyekto ay nakuha sa kabila ng pagkaantala ng pag-apruba sa panukalang fare hike ng Light Rail Manila.
Comments are closed.