IPINAHAYAG ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magde-deploy ito ng Mobile Command Center sa Batasan corner Commonwealth Avenue, Quezon City.
Ito ay kasabay ng isasagawang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr
Ang hakbang na ito ay layong mabantayan ang mga inaasahang kilos protesta na nakatakdang isagawa ng mga grupo kasabay pagdaraos ng SONA.
Gagamitin dito ang pinakamahusay na Communications and Command Center ng MMDA sa lungsod ng Pasig.
Bukod dito, ipapakalat din ng ahensiya ang kanilang mga ambulansya, tow truck, mobile patrol unit, motorsiklo, at iba pang kinakailangan.
Maglalagay din ang traffic signage kabilang na ang plastic barrier.
EVELYN GARCIA