MOBILE DIALYSIS DADALHIN NI CONG. YAP SA KABUNDUKAN NG BENGUET

Rep Eric Yap-2

HINDI na kailangan pang bumaba sa mga bayan ng Benguet ang mga matatanda at mga may sakit sa kidney para magpa-dialysis.

Ito ang inihayag ni Benguet caretaker at ACT-CIS Congressman Eric Yap dahil iikot na sa mga kabundukan ng Benguet ang dialysis center sa loob ng mga bus.

“Marami kasing mga matatanda doon na hindi na kayang bumiyahe papunta sa bayan para magpa-dialysis, kaya naisip ko na dalhin na lang ang dialysis centers sa kanilang mga barangay”, ani Yap, chairman ng Appropriations Committee.

Ayon kay Yap, bibili siya ng ilang bus na iko-convert sa mga clinic na lalagyan ng tatlo hanggang apat na dialysis machines ang bawat bus.

“Iikot sa bara-barangay araw-araw ang mga bus na ito para maserbisyuhan ang mga na­ngangailangan ng dialysis,” dagdag pa ni Yap.

Ayon sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI), isang Filipino bawat oras ang nakakaranas  ng kidney failure. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.