MOBILE ENERGY SYSTEM GAGAMITIN SA CAGAYAN

GAGAMITIN sa Cagayan ang Mobile Energy System (MES) upang matutukan and pagresponde kapag mayroong mga sakuna, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“We will hold the pilot run of the MES in the typhoon prone municipalities of Sta. Ana and Lal-lo in Cagayan Province. MES units will also be distributed to various government agencies, showing our commitment to improve government services in times of crisis,” ayon sa mensahe ni Pangulong Marcos na binasa ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa ceremonial launching ng Energy Sector Emergency Operations Center (ESEOC) at and symbolic turnover ng MES sa Energy Center sa Bonifacio Global City, Taguig City.

“These remarkable undertakings of innovation demonstrate how we capitalize on technological advancements and how we can provide proactive solutions to the energy challenges that beset our country,” ayon sa Pangulo

Kumpiyansa ang Pangulo na makakatulong and MES para maging matatag and power supply na kailangan kapag may calamities, relief, response and reconstruction.

“Without electricity, hospitals cannot treat the injured, food are spoiled, and communication is cut off,”dagdag pa ng Pangulo.

Una nang nagpahayag ng pasasalamat sa United States Agency for International Development (USAID) sa pagbabahagi ng mga mapagkukunan at kadalubhasaan nito para sa mga proyekto, gayundin sa Department of Energy (DOE) sa pagsasakatuparan ng mga proyekto upang mapabuti ang katatagan ng Pilipinas at mga sistema ng enerhiya.

Ang ESEOC, na isang energy command hub na nilagyan ng inobasyon mula sa Europe at US, ay magbibigay-daan sa DOE na pangunahan ang coordinated disaster response process at system, na nag-aalok ng malinaw na patnubay sa pag-iwas o pagpapagaan ng mga pagkagambala sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo ng koryente sa mga apektadong mga lugar.

Sa kabilang banda, ang MES ay idinisenyo upang mapabuti ang pag-access ng enerhiya sa mga malalayong komunidad at palakasin ang katatagan sa panahon ng mga sakuna at mga banta sa cyber sa mga power utilities.

Ang teknolohiya ay iniakma sa mga pangangailangan ng mga gumagamit upang lumikha ng isang malawak na base para sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga pasilidad sa kalusugan, edukasyon, telecommunicaiton, mga financial institutuion , at mga komersyal at industriyal na negosyo, pati na rin ang mga off-grid partikular na hindi naseserbisyuhan na malalayong komunidad.

Ito ay bahagi ng USAID na US$34 milyon na Energy Secure Philippines kasama ang gobyerno ng Pilipinas.

Itinurnover ng USAID ang walong solar-powered MES units sa DOE, na ipapamahagi sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at local government units (LGUs).

Ang bawat unit ay may 50kWh na storage ng baterya at kapag na-charge nang buo, maaari nitong paandarin ang dalawang set ng telebisyon, dalawang air-conditioning unit, 10 bombilya, dalawang desktop computer, dalawang laptop, limang charger ng telepono, limang electric fan, at isang internet modem sa halos 12 oras.

Sa record ng PAGASA, mayroong 20 bagyo na pumapasok sa bansa kada isang taon.EVELYN QUIROZ