ISINAKAY at inihatid kahapon ng Philippine Navy ang lahat ng inaakalang mga pangunahing pangangailang ng mga nasalanta ng Bagyong Odette sa kanilang BRP Tarlac-LD601 isa sa pinamamalaking landing dock sea asset ng Navy.
Umalis kahapon at nagsimulang maglayag ang Philippine Navy landing dock, BRP Tarlac (LD601) mula Pier 13, South Harbor, Manila para magsagawa ng sealift at humanitarian assistance and disaster response (HADR) mission sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Typhoon Odette sa Visayas at Mindanao.
Kabilang sa mga ihahatid ng LD601 ang may 350,000 kilograms ng relief goods and essential personal supplies mula Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Rotary Club of Manila, Globe Telecom, The Bellevue Manila, New World Makati Hotel, Operations Blessing, non-governmental organizations at private individuals.
Nasa 150 tons pa ng rolling cargoes ang lulan ng nasabing barko na kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines’ Mobile Kitchen, mga military vehicles na may water tanks, mga trucks mula sa Meralco, Maynilad at maging Bank on Wheels para sa mga bank depositors na nangangailanga ng pera .
Samantala,nasa 200-man contingent mula Marine Amphibious Ready Unit (MARU) ng 9th Marine Battalion ang ginawang disaster ready response HADR capable unit at iba pang military operations ang naka-deploy na ngayon sa BRP Tarlac, isa sa dalawang Navy largest vessels para sa military sealift at transport vessels.
“Because of its ability to transport a large number of personnel, logistics,and supplies, it is a critical asset for civil-military operations and HADR. Our country being an archipelagic nation brings out the relevance of this capability,” ayon kay CDR Benjo Negranza taga pagsalita ng Hukbong Dagat ng Pilipinas.
Nabatid na ang nasabing sea lift vessel ay kabilang sa 19-ship humanitarian aid-focused vessels na inihanda ng PN at dineploy sa mga lugar na sinalanta ni “Odette”.VERLIN RUIZ