HINIKAYAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local chief executive na magkasa ng market on wheels o mobile palengke sa kani-kanilang nasasakupan.
Ito ay upang mas maiwasan ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga pamilihang bayan at matiyak ang mahigpit na pagsunod sa physical distancing.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kinakailangang matiyak ang mahigpit na pagsunod ng lahat sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil nakasalalay dito ang pagpapasiya sa pagpapalawig o pagtatanggal nito.
Una rito, iniutos ng DILG sa mga local chief executive na tanggalin ang ipinatutupad na window hour upang hindi magkumahog ang publiko sa mga palengke, supermarket at grocery store dahil kailangang habulin ang oras para makabili ng pagkain at iba pang pangangailangan. DWIZ 882