MOBILE SHOPPING APP INILUNSAD NG GLOBE, PUREGOLD

INILUNSAD ng Globe Telecom Inc. at Puregold Price Club Inc. ang isang mobile application para makapamili ang mga customer online.

Ang Puregold Mobile app ay magbibigay-daan para makapamili ang mga shopper na hindi na pipila kung saan kabilang sa features nito ang item barcode scanning, store pickup, at real-time updates sa order status at stock replenishing.

Sa app ay maili-link din ng mga customer ang kanilang ‘Tindahan ni Aling Puring’ (TNAP) o Puregold Perks Card para sa mas madaling tracking ng kanilang points at access sa exclusive discounts.

“Puregold Mobile is one of our efforts in partnership with Puregold in enhancing the grocery shopping experience for Filipinos,” wika ni Globe President and CEO Ernest Cu.

“We are happy to collaborate with the country’s most digitally advanced and well-known grocery brand in co-developing an app that enables customers to maximize mobile connectivity in doing basic and essential everyday things with utmost convenience,” dagdag pa ni Cu.

Maaaring bayaran ng mga shopper ang kanilang napamili sa pamamagitan ng mobile wallet GCash ng Globe.

Ang iba pang payment options ay ang credit card at cash kapag pinick up.

Ang in-store pickup ay available sa mga piling sangay ng Puregold sa Greater Manila Area.

Libre ang pag-download sa Puregold Mobile sa Google Playstore at App Store.

Ang Puregold ay kabilang sa mga unang national supermarket chains na tumanggap ng mobile payments via GCash.

Noong Hulyo ng nakaraang taon, inilunsad ng GCash at Puregold ang GCash scan to pay via barcode.

Ang Puregold ay may kabuuang 369 stores sa buong bansa hanggang noong katapusan ng Setyembre. Ang kompanya ay nasa likod din ng 17 S&R membership shopping warehouses at 37 S&R New York Style QSR.

Samantala, ang GCash na ino-operate ng Globe Fintech Innovations Inc. (Mynt) ay may 20 million registered users at mahigit sa 63,000 partner merchants sa buong bansa.

Ang Mynt ay pag-aari ng Globe Telecom, Ayala Corp. at Ant Financial, isang affiliate ng Alibaba Group ni Jack Ma.

Comments are closed.