MOBILE VACCINATION PROGRAM INILUNSAD SA P’QUE

INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Paranaque ang Mobile Vaccination Program (MVP) upang mailapit sa komunidad ang importansya ng pagkakaroon ng bakuna kontra coronavirus disease o COVID-19.

Ayon kay Eva Nono, hepe ng Paranaque External and Homeowners Affair (PEHA), bumuo ng isang team ng munisipyo na bababa sa mga barangay, villages at subdibisyon upang makapagsagawa ng baksinasyon lalo na sa mga vulnerable sectors.

Sinabi ni Nono na ang kick-off ng MVP laban sa COVID-19 na isinagawa noong isang araw sa Tahanan Village sa Barangay BF ay naging matagumpay sa paglahok ng 190 indibidwal na karamihan ay mga senior citizens sa naturang vaccination program ng lungsod.

Dagdag pa ni Nono, partikular na tinutungo ng binuong team ay ang mga lugar ng barangay kung saan nakapagtala ng mayroong mataas na kaso ng COVID-19.

Sa panig naman ni Mayor Edwin Olivarez, ang proyektong MVP ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod upang maprotektahan ang mga residente sa COVID-19 partikular ang mga napapabilang sa vulnerable sectors tulad ng senior citizens, health workers at may mga comorbidities.

Ang MVP team ay pinangunahan ni Dr. Jeff Pagsisihan, Medical Director of the Ospital ng Parañaque, na sinuportahan naman ni Nono at ng mga personnel sa iba’t-ibang tanggapan at departamaneto ng lokal na pamahalaan upang siguruhin ang mahusay at maayos na implementasyon ng minimum health protocols.MARIVIC FERNANDEZ

6 thoughts on “MOBILE VACCINATION PROGRAM INILUNSAD SA P’QUE”

  1. 429078 571292Discover how to deal with your domain get in touch with details and registration. Realize domain namelocking and Exclusive domain name Registration. 158132

Comments are closed.