MULING maghahatid ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng house to house na pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bedridden na Navoteno.
Simula sa Pebrero 14, ang mobile vaccination team ay bibisitahin ang bawat 18 na mga barangay para sa pagbabakuna ng AstraZeneca booster sa mga residenteng hindi pisikal na makapunta sa alin man vaccination sites ng lungsod.
“We want Navoteños, especially those sick and vulnerable, to remain protected against COVID-19. If they can’t go to our vaccination sites, then we will bring the vaccines to them,” anang alkalde ng lungsod.
“If you have a family member who have been vaccinated and are ready to receive their booster dose, have them registered so they can receive their jabs as soon as possible,” dagdag nito.
Ang mga nais mag-avail ng mobile vaccination services ay maaaring magparehistro sa kani-kanilang barangay o magpadala ng message sa Navoteno Ako Facebook page o TXTJRT: 0915-2601385 (Globe), 0908-8868578 (Smart) and, 0922-8888578 (Sun).
Hanggang Pebrero 10, ang Navotas ay nakapagbakuna na ng 200,361 ng first doses ng COVID vaccine, 194,752 second doses, at 47,527 booster doses. EVELYN GARCIA