NAGSAGAWA ng mock elections ang Commission on Elections (Comelec) sa 34 barangay sa buong bansa.
Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na ito ay bilang paghahanda para sa nalalapit na 2022 presidential elections.
Kumpleto ang mock elections. May checkpoints, may voter assistance desk, may balota at mga makina na magbabasa sa balota.
Kabilang sa mga lugar na ginawang mock elections site ang Tenement Elementary School sa Brgy. Western Bicutan, Taguig.
Ayon kay Jimenez, ginawa ang mock elections para masiguro na magiging maayos ang sistema sa araw ng halalan.
Naglagay rin ang Comelec ng isolation polling place para agad ma-isolate ang sinumang masusuri na mayroong body temperature na 37.5 degree celsius pataas.
Ginamit na pangalan ng mga kandidato sa pagkapangulo at iba pang national positions ang Hollywood stars katulad nina Ben Affleck, Jeniffer Aniston, Halle Berry, Selena Gomez, Angelina Jolie at Brad Pitt.
Sa pagkabise presidente naman ay ginamit ang mga sikat na Hollywood at NBA stars na sina Christian Bale, Mariah carey, Stephen Curry, Kevin Durant, Lebron James, Harry Styles.
Ilan sa mga pangalan sa pagkasenador sina Lady Gaga, Ariana Grande, hugh Jackman, Michael Jordan, Kim Kardeshian, Jennifer Lopez, Katy Perry, Ed Sheeran, Taylor Swift, Britney Spears, Kanye West at iba pa.
Para naman sa local positions, gumamit ang Comelec ng mga artistang Pilipino sa mga kandidato sa pagka-kongresista katulad nina Kaye Abad at Patrick Garcia.
Kandidato naman sa pagka-mayor sina Maris Racal at sa pagka- vice mayor sina Gretchen Ho, Rico Blanco habang kandidato naman sa pagka-miyembro ng Sangguniang Panglungsod si Angel Locsin at Bea Binene.