KAPWA hinimok ng dalawang mataas na opisyal ng Kamara ang mga mamamayan na patuloy na bigyan ng pagpupugay at kahalagahan ang mga Filipino na nagpamalas ng kanilang kabayanihan, katapangan at sakripisyo para matamo ng bansa ang kalayaan, pagbabago at inaasam nitong kaunlaran.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na nakikiisa siya sa paggunita sa kadakilaan ng tinaguriang “known and unknown heroes” ng nakaraang mga rebolusyon, na hinarap ng buong tapang ang lahat para lamang mapalaya ang Filipinas mula sa mga mananakop na dayuhan.
“They are the men and women whose selfless actions and service have helped to secure the freedoms and rights we now enjoy. This grateful nation has not forgotten and will never forget their heroism, courage and sacrifice,” pagbibigay-diin pa ni Velasco.
Kasabay sa pagdiriwang ng National Heroes Day 2021, iginiit ng House Speaker na dapat ding kilalanin at papurihan ang mga bagong bayani ng bansa, ang mga matatapang at tapat sa kanilang tungkulin na medical frontliners at iba pang essential workers dahil sa malaking papel na ginagampaman ng mga ito sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
“We must also salute the police, firefighters and soldiers who risk their lives every day to protect our communities. And lastly, we recognize our national athletes, the sports heroes who are a source of inspiration and strength for many Filipinos amid these trying times.” Dagdag ni Velasco.
Sa panig ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Rowena Niña Taduran, sinegundahan nito ang panawagang na sa paggunita ng National Heroes Day, ay kailangang bigyang-pugay din ang lahat ng medical frontliners, kasama na Overseas Filipino Workers (OFWs).
“Dahil sa kabila ng pandemya, ang ating health care workers at OFWs ay patuloy na naglilingkod alang-alang sa serbisyo publiko. Sila ang maituturing na mga bagong bayani sa panahon ng krisis na ito,” mariing sabi pa ni Taduran.
“Samantalahin na rin natin ang panahon na ito upang pasalamatan ang iba pa nating mga magigiting na frontliners na hanggang sa ngayon at patuloy na lumalaban sa pandemya upang ang kaligtasan ng bawat Pilipino ay mapangalagaan. Mabuhay po kayong lahat na mga bagong Bayani ng Pilipinas!” Dugtong ni Taduran. ROMER R. BUTUYAN
982891 277461The the next occasion Someone said a weblog, Hopefully so it doesnt disappoint me approximately this. What im saying is, I know it was my choice to read, but I really thought youd have something interesting to express. All I hear is often quite a few whining about something which you could fix in the event you werent too busy looking for attention. 685116