MODERNA COVAX MAS MATAGAL ANG PROTEKSIYON

LUMABAS  sa isang pagsusuri ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na mas matagal ang proteksiyong maibibigay ng Moderna COVID-19 vaccines kumpara sa Pfizer.

Isinagawa ng CDC researchers ang pag-aaral sa mahigit 3,000 indibidwal na naitalang may severe cases mula 11 ng Marso hanggang Agosto 15.

Sa naturang bilang, nasa 12.9% sa mga ito ang bakunado ng Moderna habang 20.0% naman ang bakunado ng Pfizer at 3.1% ang bakunado ng Johnson & Johnson.

Bukod dito, napag-alaman din sa naturang pag-aaral ang iba’t ibang antibodies na nilalaman ng mga nasabing bakuna.

Ang Moderna ay may mas mataas na lebel ng antibodies kumpara sa Pfizer at J&J.

Samantala, inaasahan ng Department of Health na makakapag-angkat ng halos 10,000 vials ng Tocilizumab bago matapos ang buwan ng Setyembre.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, III, patuloy silang naghahanap ng suplay ng naturang gamot na ginagamit sa mga COVID-19 patient.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang gobyerno sa ambassador sa Switzerland para sa karagdagang suplay ng Tocilizumab.

Ang naturang pharmaceutical company na gumagawa ng Tocilizumab, ay nakabase sa Switzerland.

Ayon pa sa kalihim na habang kulang ang suplay ng Tocilizumab, mayroong ibang gamot na maaring gamitin bilang kapalit para sa COVID-19 tulad ng Baricitinib.

Samantala, unang inihayag ng DOH na ang suplay ng Tocilizumab ay inaasahang magiging limitado lamang hanggang sa buwan ng Disyembre.DWIZ882

7 thoughts on “MODERNA COVAX MAS MATAGAL ANG PROTEKSIYON”

Comments are closed.