INISYUHAN na rin ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang Moderna COVID-19 vaccine sa Filipinas.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang EUA mula sa FDA ang magpapahintulot upang magamit ang isang bakuna na under development pa sa isinasagawang vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19.
“After rigorous and thorough review by regulatory and medical experts using the currently available published and unpublished data, FDA is granting an emergency use authorization… for the COVID-19 vaccine Moderna,” ani Domingo, sa isang online press conference.
Nabatid na ang Filipinas ay may inisyal na order na 200,000 COVID-19 jabs ng Moderna vaccine na inaasahang maidedeliber sa bansa sa susunod na buwan.
Umaasa naman ang national government na makakakuha pa ng may 20 milyong Moderna vaccine na hahatiin sa public at private inoculation programs.
Matatandaang target ng pamahalaan na makapagbakuna ng hanggang 70 milyong indibidwal bago matapos ang kasalukuyang taon upang maabot ang herd immunity.
Gayunman, dahil sa limitadong suplay ng bakuna, hanggang nitong Abril 22 ay nasa 1.6 milyong doses pa lamang ang mga Pinoy na naturukan ng COVID-19 vaccine. Ana Rosario Hernandez
145061 500395I believe other internet site proprietors really should take this web site as an model, quite clean and wonderful user friendly style and style, as properly as the content material. You are an expert in this topic! 330222
182320 520940Nothing better than Bing locating us a very good internet site related to what I was looking for. 719324
737975 392591Intriguing point of view. Im curious to believe what type of impact this would have globally? Sometimes folks get a little upset with global expansion. Ill be about soon to have a look at your response. 958509