MODERNISASYON NG JEEPNEYS ARANGKADA NA

PUV modernization program

NILINAW ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra na nananatiling bukas ang kanilang ahensiya para sa isang diyalogo sa mga transport group na patuloy na tumututol sa PUV modernization.

Sa isang exclusive interview ng PILIPINO Mirror, sinabi ni Delgra na hindi nila isinasara ang pintuan, gayundin ni Transporta-tion Secretary Arturo Tugade,  para muling pakinggan ang samu’t saring karaingan ng transport groups gaya ng Alliance of Con-cerned Transport Organization (ACTO) at Pinagkaisang Samahan ng Tsuper Operators Nationwide (PISTON).

Aniya, sa kasalukuyan, marami nang tumanggap na transport cooperatives sa jeepney modernization program sa iba’t ibang probinsiya tulad na lamang sa General Santos City, South Cotabato, Pangasinan at Butuan City kung saan sa kanilang idinaos na Transport Caravan ay nakapagpahiram ang isang bangko roon ng halagang P900 mil­yon sa isang kooperatiba para sa pagbili ng 75 units ng modernong jeep.

“Kinakailangan lamang talaga nilang bumuo ng isang kooperatiba para maging maliit ang pagbabayad sa bangko dahil kung isa-isang makikipag-usap sa bangko ay baka hindi pa sila makautang at malaki ang kanilang buwanang bayaran,” sabi ni Delgra.

Samantala, hindi nababahala si Delgra sa mga serye ng paglulunsad ng transport strike sa iba’t ibang panig ng bansa.

Iginiit niya na walang hinto ang pagpapatupad nila ng naturang programa at  handa nilang tanggalan ng prangkisa ang mga susuway rito.        BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.