MODERNISASYON SA AIRPORTS, SEAPORTS

Rep Jericho Nograles

ISINUSULONG ng isang kongresista ang pagmodernisa sa mga paliparan at pantalan sa bansa para hin-di na maulit ang pag-atake ng mga terorista tulad ng nangyari sa Sulu.

Ayon kay PBA Party-list Rep. Jericho Nograles, dahil sa pagiging archipelagic ng Filipinas at kulang sa makabagong teknolohiya ay mahirap bantayan ang mga exit sa bansa at nagagawang maglabas-masok ng mga terorista sa mga airport at seaport.

Aniya, napapanahon nang mamuhunan sa mga teknolohiya na kayang magsagawa ng automatic cross-matching sa database ng mga terorista at international criminals.

Layunin nito na masala ang mga pumapasok na dayuhan sa bansa at matiyak ang seguridad laban sa anumang banta ng terorismo.

Ang rekomendasyon na ito ay kasunod ng nangyaring suicide bom­bings sa Army Command Post sa Indanan, Sulu kamakailan na pinaghihinalaang kagagawan ng isang Filipino at isang dayuhan.               CONDE BATAC

Comments are closed.