UMAPELA ang isang kongresista sa gobyerno na magpatupad na rin ng modernization program sa mga bangkang pangisda at passenger ship.
Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, ito ay para ma-monitor ang mga insidenteng nangyayari sa laot at para hindi na maulit ang ‘hit and run’ incident sa Recto Bank kung saan 22 mangingisdang Filipino ang naiwang distressed ng bumanggang Chinese vessel.
Hiniling ni Vargas na malagyan ang mga fishing vessel ng satellite phones at transponders para sa search and rescue, automatic identification, global positioning system (GPS), at iba pang portable electronic devices na makakapag-ere ng distress signal.
Aniya, maaaring magpalabas ng administrative order ang MARINA at BFAR para sa acquisition ng nabanggit na mga gamit.
Para naman sa mga maliliit na bangkang pangisda, maaaring dumulog ang mga mangingisda sa Department of Agriculture at sa Cooperative Development Authority para sa pagpopondo ng mga gamit.
Sa datos ng BFAR, 81,000 ang fishing vessels sa buong bansa, 7,000 ang rehistrado habang kalahati rito ay mga maliliit na bangkang pangisda. CONDE BATAC
Comments are closed.