Kakaibang pampublikong bahay-aklatan ng New Taipei City ang pinaiiral na serbisyo sa kanilang komunidad dahil ito ay open 24-oras, seven days a week.
Simula noong 2015 ay nagsimulang buksan ng 24-oras ang New Taipei City Library mula sa tradisyong oras na alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Ito ang inanunsiyo ng pamunuan ng City’s Cultural Affairs Bureau kung saan kanya-kanyang oras na bubuksan ang iba’t ibang section ng aklatan sa loob ng 24-oras, pitong araw kada linggo. Nagdesisyon ang nabanggit na departamento kaugnay sa isyu ng 24-oras dahil na rin sa sumisiglang panahon ng eBooks at online publishing.
Pinakasentro ng 44 bahay-aklatan ay matatagpuan sa Banqiao District sa New Taipei City na may ilang kilometro ang layo sa Taipei Main Station. May 10-palapag ang bahay-aklatan kung saan maaaring gamitin ng mga mambabasa ang modernong escalator at dalawang elevator na transparent ang pintuan nito (glass). May nag-iisang security guard sa entrance gate na gawa sa glass at sa loob nito ay magkabilaan ang closed-circuit television (CCTV). Maging sa bawat sulok ay namumutawi ang CCTV at karamihang staff ay naka-unipormeng kulay maroon kabilang na ang mga Taiwanese na volunteer.
Animo’y sementeryo sa katahimikan na kahit kaluskos ay hindi mo maririnig sa bawat sulok ng bahay-aklatan. Komportable ang mga mambabasa dahil na rin sa simoy ng hangin na dulot ng makabagong aircon unit. Nasa unang palapag (ground floor) ay nakabungad ang Information Desk na maaaring mag-apply ng Library card at iba pang transaksiyon na may kaugnayan sa aklatan. Maaari ring kumuha ng permiso ang mga photographer para sa larawan for publication sa newspaper. Sa kanang bahagi ng aklatan ay iba’t ibang Chinese books ang naka-display at sa kaliwang bahagi naman ay ilang computer at printers.
Limitado sa 30-minuto per person ang gamit ng computer para mabigyan naman ng panahon ang iba pang gagamit nito. Maaaring magpa-print ng dokumento pero may kaukulang bayad. Kinakailangang may Library card dahil ito ang password sa anumang transaksiyon sa aklatan. Nasa 2nd floor naman ang Newspaper Reading Area na may iba’t ibang foreign languages kung saan update ang petsa. Maging ang isyung pinakalumang volume ay nasa computer at maaaring ipa-print kapag may pahintulot ang pamunuan ng bahay-aklatan.
Nasa ikalawang palapag din ang Parent-Child Art & Education Digital Library kung saan maaaring gumamit ng computer ang 12-anyos na may kasamang guardian. Maging ang mga 6-anyos ay pinahihintulutan sa bahay-aklatan kapag kasama ang mga magulang.
Samantala, sarado naman ang nabanggit na aklatan kapag sumasapit ang lahat ng National Holidays na itinakda ng pamahalaan ng Republic of China. Off-limit naman sa publiko ang nasabing aklatan kada unang Huwebes ng buwan dahil sa library’s cleaning day (araw ng paglilinis)
Sa iba pang palapag ay natutunghayan ang koleksiyon ng World History at Geography, iba’t ibang foreign languages, literature, publication at iba pa. May kabuuang reading area na 48 komportableng upuan. May section din ang mga Taiwanese senior citizen na mahilig din sa pagbabasa.
Sa bahagi naman ng ikawalong palapag na may 1, 223 metro kuwadrado ay ang multimedia room at audio-visual materials for personal at group viewing. Kada kuwarto ay may small group seats o kaya large group seats.
Matutunghayan naman sa ika-9th floor ang Multicultural Information Center para matugunan ang reading demands ng grupo ng ethnic at maipamalas ang kultura ng Taiwan sa sariling lahi at dayuhan.
At ang ika-10 palapag naman ay ang Administration Office at International Conference Hall na may 170 seating arrangement na U-shaped.
Kada upuan ay may microphones. May iba pang room na nakalaan naman sa small group at may 25 upuan.
Karamihang pumapasok sa bahay-aklatan ay mga estudyante at mabibilang ang dayuhang turista o kaya ex-pat na senior citizens. Maituturing na pinaka-modernong bahay-aklatan ang New Taipei City Public Library dahil na rin sa kakaibang estilo ng pamamalakad. Text and photos by MHAR BASCO
Comments are closed.