ANG MGA modernong bus ang isa sa mga solusyon sa matinding trapik sa EDSA, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sinabi ni Transportation Assistant Secretary Mark De Leon na kayang magsakay ng mga modernong bus na may Euro 4 o Euro 5 na makina ng hanggang 120 pasahero kapag pinuno.
Gayunman, inamin ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na maaaring tumaas ang pasahe sa mga modernong bus.
Bukod sa environment-friendly o kaunti ang pinsalang naidudulot sa kapaligiran, ang mga modernong bus ay may surveillance camera, personal TV monitor at banyo.
Mas maluwag at angkop din umano ito para sa mga person with disability o may mga kapansanan, senior citizen, at mga buntis.