MODERNONG HIGHWAY SA CALAMBA BUKAS NA

LAGUNA- ANUMAN araw mula ngayon ay maaari ng daanan at gamitin ang bago at modernong highway na C.A.Yulo Avenue na matatagpuan sa Industrial Parks sa Canlubang, Calamba sa lalawigang ito.

Ang naturang highway na may kabuuang 1,400 linear meter road at malalapad na daan ay sagot sa pagnanais ng libo- libong industrial company sa lugar na mapabilis ang transportasyon ng kanilang import at export products.

Ayon kay DPWH Region lV-A Director Engineer Jovel Mendoza, ang pagkakakumpleto ng C.A Yulo Avenue ay magsisilbing gateway para sa lahat ng uri ng finished products ng mga multi- national companies at maging ng mga local at agricultural na produkto na mai-deliver ng mas maaga sa kani- kanilang destinasyon.

Aniya, madadagdagan pa ang kita ng mga kumpanya kung mas natutugunan ng mga ito na makarating sa ibang bansa ang kanilang mga export products.

Sa pahayag ni Mendoza, ang C.A Yulo Avenue ay donasyon ng Yulo family sa local government unit ng Calamba at pahintulutan ang kanilang tanggapan na mangasiwa ng proyekto.

Malaking kaginhawahan naman sa mga motorista na makukuha nilang magbiyahe ng mas mabilis para makarating sa kanilang mga tanggapan gamit ang bagong highway. ARMAN CAMBE