PASAY – INILANTAD ng Philippine Navy ang kanilang kakahayan sa paggamit ng modern missile system na hindi magpapahuli sa buong mundo.
Kahapon isang capability demonstration ang ginawa ng Philippine Navy para sa kanilang newly-installed Rafael Advanced Defense Ltd. Spike-ER (extended range) surface-to-surface missile system sa karagatang sakop ng Lamao Point, sa Limay, Bataan.
Dito nasabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa harap ng mga kasapi ng Defense Press Corps na “very impressive” ang bagong sandatang hawak ngayon ng Philippine Navy.
Sinabi pa ni Lorenzana na ngayon ay mayroon nang “minimum deterent” armament ang Navy laban sa mga magtatangkang manggulo o maghasik ng karahasan.
Ayon kay Vice Admiral Robert Empedrad, Navy Flag Officer in Command, “This is an indication that the PN is more than capable of handling and using this modern weapon.
Sa ginawang live fire exercise kung saan ginamit ang bagong SPIKE ER Missile na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa sampung milyong piso ay nasabi rin ni Empedrad na ngayon ay may matindi ng panlaban ang Phil Navy kontra sa posibleng external threat o banta ng terorismo.
Nilinaw ng opisyal na ang nasabing missile system ay para sa defense at hindi sa offense. VERLIN RUIZ
Comments are closed.