MODERNONG MEDICAL EQUIPMENT IBINUHOS SA MAGUINDANAO

MEDICAL EQUIPMENT

IKINAGALAK ng mamamayan ng Maguindanao ang pagkakaroon ng modernong pasilidad para sa health care na tugon sa kanilang pangangailangang pangkalusugan.

Kamakailan ay iti­nurnover ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)  ang medical equipment na nagkakaha­laga ng P16.2 million sa iba’t biang lugar at health stations sa nasabing lalawigan.

Ang distribution ng medical equipment ay ginawa sa pamamagitan ng Humanitarian and Development Assistance Program (HDAP) ng BARMM.

“The Bangsamoro government is pleased to inform everyone that we are determined in improving the public health condition of the BARMM,” batay sa mensahe ni BARMM Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim na binasa ni Cabinet Secretary Mohammad Asnin Pendatun.

Batay pa rin sa mensahe ni Ebrahim, prayoridad niya ang pag-angat ng kagalagayan ng kanyang kababayan.

“As I have always emphasized, our priority is to improve the well-being of our people; to ensure access to quality health care services, education, and social welfare,” ayon kay Ebrahim.

Tniyak din ni Ebrahim na ipagpapatuloy ng BARMM  ang completion ng mga program sa dating ARMM.

“It shall be done consistent with our call for moral governance,” dagdag pa sa mensahe ni Ebrahim.

Kabilang naman sa makikinabang sa medical facilities ang limang rural health units ng mga munisipalidad ng Datu Piang, Talayan, Datu Salibo, Mamasapano at Talitay sa Maguin­danao.

Sa record, nasa 34 Barangay Health Units ang makatatanggap ng medical equipment. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.