MODERNONG PAGTATANIM NG KABUTE ITINURO SA MGA DATING SUPPORTER NG NPA

Kabute

NORTH COTABATO – Itinuro ang Mushroom Culture and Propagation o ang modernong pagtatanim ng kabute sa mga dating supporter at symphatizer ng New People’s Army (NPA) sa Brgy Pangaoan, bayan ng Magpet, North Cotabato noong Sabado.

Nanguna sa pagtuturo ng modernong pagtatanim ay ang Magpet Municipal Agriculturist Office katuwang ang tropa ng 72nd Infantry Battalion Ng Phil. Army.

Nabatid na ang dating mga supporters ay nagmula sa mga bayan ng Magpet, President Roxas at sa Kidapawan City na ngayo’y kabilang na sa People’s Organization na binuo ng militar upang isailalim sa iba’t-ibang skills training.

Maliban sa mga dating mass supporters, ilang residente rin sa nabanggit na barangay ang sumailalim sa nasabing pag-sasanay.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng tuluy-tuloy na hakbang ng militar sa ilalim ng Community Support Program (CSP) at tugon na rin upang i-angat ang pamumuhay ng mga dating miyembro ng underground mass organization.

Maliban sa nasabing pagsasanay, ilang skills training na rin ang naisagawa ng 72nd IB sa mga dating rebel supporters.

Ayon sa ulat ng militar, umaabot na sa isang libong  dating NPA supporters ang kasapi na ngayon ng People’s Organization ng 72nd Infantry Battalion Ng Phil. Army. MHAR BASCO

Comments are closed.