SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na rerebisahin at babaguhin ng kanilang lokal na tanggapan sa South Cotabato ang mga modules na hindi naka-align sa kanilang polisiya hinggil sa gender sensitivity.
Ito ay matapos na isang Grade 5 student sa lalawigan ang makapuna sa isang learning material na nagpapakita ng gender stereotyping o gender bias.
“The Schools Division of South Cotabato has already convened a meeting of concerned writers, evaluators, and supervisors to revisit and revise any module not aligned with our policy on gender sensitivity,” ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio.
Kaugnay nito, pinasalamatan din ni San Antonio si Miguel Lapid, ang Grade 5 student na mula sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato, na pumuna sa naturang learning material kaya’t nakarating ito sa tanggapan ng DepEd.
“This instance is proof that our learners, parents, and personnel are indeed engaged in their respective roles in advocating zero-tolerance against any form of gender discrimination in the community,” ani San Antonio.
Tiniyak naman ni San Antonio na hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong uri ng pagkakamali.
Tiniyak pa San Antonio na ipagpapatuloy ng DepEd Central Office ang monitoring at pinaalalahanan ang mga field office nito na isulong ang gender-equality standards at procedures sa paggawa nila ng learning materials.
Nabatid na sa isang aktibidad sa naturang module na pinuna ni Lapid, dapat i-match ng estudyante ang pagkakaiba ng mga deskripsiyon ng mga babae at lalaki.
Base sa answer key, ang katangian ng mga lalaki ay malakas, astig at matapang, habang ang mga babae naman ay iyakin, mahinhin at paiba-iba ang modo.
“I feel that this is oddly gender biased since some males aren’t strong and tough but some females are.
Also, some females aren’t fragile. In fact, many are strong and brave,” ani Lapid sa kanyang liham na naka-address sa DepEd.
“Being a male doesn’t automatically make you a brave and tough guy. Lots of males are easily frightened and tend to cry a lot,” aniya pa.
“So in summary, this activity may hurt people who see it because of its stereotyping and bias. I hope you acknowledge this and take note.” dagdag ng DepEd official. BENEDICT ABAYGAR, JR.
643652 924682hello admin, your web site pages pattern is simple and clean and i like it. Your articles are wonderful. Remember to keep up the very good work. Greets.. 365282
232623 288781Hiya! Fantastic blog! I happen to be a everyday visitor to your web site (somewhat far more like addict ) of this web site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am searching forward for more! 44411