HINIHINALANG may kasabwat na tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang nagpapanggap immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nakakulimbat ng P75,000 sa isang Overseas Contract Workers (OFW) papuntang ibang bansa.
Nadiskubre ang modus nitong pekeng immigration officer matapos makarating sa tanggapan ng BI ang reklamo ng isang OFW papuntang Dubai na hiningian ng isang nagngangalang James ng naturang halaga kabayaran sa kanyang pag-alis.
Ayon sa impormasyon, nangyari ang insidente noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon at nagpakilala itong si James na isa siyang immigration officer na naka-assigned sa NAIA
At napaasa nitong si James na kaya mag-escort o magpaalis ng OFW kapalit ang malaking halaga bago siya makasakay sa kanyang flight.
Batay sa report na nakarating kay Morente, una nagbigay itong biktima ng P7,000 sa pamamagitang ng GCash, sumunod ang P28,500 sa pamamagitan naman ng transfer at ang pinakahuli ay P39,500.
Sa kabila nito, naudlot pa rin ang pag-alis ng biktima dahil naharang siya ng immigration officer na naka-duty sa may departure area ng airport at ang pera ay hindi naibalik hanggang sa kasalukuyang.
Hinihinala ng ilang NAIA insider na lehitimong immigration officer si James at maaring nag-alyas lamang ito upang makaiwas sa pananagutan kapag nagkabulilyaso ang kanilang transaksiyon. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.