NAKATSIKAHAN ng ilang movie writer ang PA (personal assistant ni Piolo Pascual na si Moi Bien sa premier night ng Kuya Wes na kapareha niya si Ogie Alcasid na ginanap sa UP Cine Adarna kamakailan.
Sixteen years na pala si Moi na nagtatrabaho kay Papa P. Hindi rin niya inilihim na may anak na siya na pitong taon na ngayon.
Ani Moi: “Ang dami ngang nagbibiro na baka anak ni Papa P. ang anak ko kasi two years na ako mahigit sa kanya nang mabuntis ako. Tinaon kong birthday niya nang ipaalam ko na buntis ako, para hindi siya magalit. Nang malaman niya, natuwa naman siya at nag-care sa kalagayan ko. ‘Pag nakita niyang nagbubuhat ako ng mga mabibigat pinagbabawalan niya ako. Kung minsan hindi pa nga niya ako pinakikilos, e. Tuwang-tuwa naman ako.”
Kuwento pa ni Moi, “napakabait ni Papa P. bilang boss. Hindi siya bossy.”
“Sa tagal ba ng pagsasama ninyo ni Papa P. sa iisang bubong hindi mo ba siya pinagnasaan?” tanong namin.
“Ano bang hindi. Kung ang boss mo ay ganu’n kaguwapo at kabait. Kaya lang dedma siya kahit nagpaparamdam ako sa kanya,” lahad ni Moi.
Sa ngayon ay hindi na raw siya nakatira kay Papa P dahil kahit papano raw ay nakapagpundar na s’ya ng isang condo unit at kasama na niya ang kanyang anak.
“Thankful ako kay Papa P. kasi pinayagan niya akong mag-artista. Kaya biro namin sa kanya, ‘di may PA ka na rin. Natawa na lang si Moi.
Dahil marami ang nagkukuwestiyon ng kasarian ni Papa P. tinanong namin si Moi tungkol doon.
Sambit ng PA: “Hindi. Walang mga katotohanan ang mga binibintang sa kanya. Eh, nagdadala nga s’ya ng babae sa bahay niya. May non-showbiz at may showbiz din.”
MOI AT OGIE KLIK ANG TANDEM
SAMANTALA, kasama si Moi sa pelikula ng Spring Films na Kuya Wes na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid.
Bagay na tandem ang dalawa. Ang movie tungkol sa remittances, kung saan ang dalawang magkaibigang empleyado (Moi at Ogie) ay naghahanap ng magmamahal sa kanila. Si Ogie ay na-inlove sa babaeng kumukuha ng remittance tuwing 16th of the month, si Ina Raymundo, samantalang si Moi naman ay naghahanap ng lalaking magmamahal sa kanya.
Pinatunayan ni Ogie na hindi lang siya isang mahusay na singer kaya rin niyang pasukin ang pagdadrama.
ALDUB NATION IPINAGKAKALAT NA MAY ANAK NA SINA MAINE AT RICHARD
USAP-USAPAN sa social media na may anak na raw sina Maine Mendoza at Alden Richards.
Hindi nagustuhan ng kapatid ni Maine ang kumakalat na balita kaya pumalag siya. Ayon sa ibang netizens sumusobra na ang ibang AlDub fans kaya kung ano-anong paninira na ang inilalabas nila kay Maine.
Ayon sa kapatid ni Maine na nagngangalang Nicole, fake news daw ang balita. Nagpost pa ang twitter user ng picture na may kargang sanggol ang Dubsmash Queen at nilagyan ng caption na “This little bundle of joy was introduced to me… lets wait for da day he might be introduced to the rest of the fandom… kaya ganoon ang kapit ko sa MAICHARD…. #ALDUB184thWeeksary #ADN184thWeeksary.”
Papanong manganganak si Maine samantalang hindi nakitaan na lumaki ang tiyan nito ng mga nakaraang taon.
Comments are closed.