KUMIKIG na ang mga homegrown big shot upang agawin ang atensiyon mula sa mga Filipino-foreign tanker na naghahangad na makapasok sa National Team sa ikalawang araw ng aksiyon sa Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Trials (50-meter) Championships sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).
Pinalakas ng national junior record holders at multi-titlists na sina Jamesrey Ajido at Micaela Jasmine Mojdeh ang mga lokal na humakot ng gintong medalya sa kani-kanilang mga dibisyon upang matabunan ang paghahari ng mga Filipino-foreign swimmer na nakabase sa ibang bansa sa pangunguna ni Paris Olympic bet Jarold Hatch.
Ang 15-anyos na si Ajido, gold medalist sa Asian Age Group Championships noong Pebrero sa New Clark City, ay sinira ang Southeast Asian Age Group Qualifying Time Standard (QTS) sa boys 14-15 100-m butterfly (57.47) nang magwagi sa oras na 56.25, habang napantayan niya ang QTS (24.64) sa 50-meter freestyle para sa kabuuang apat na gintong medalya sa event na gagamitin sa pagpili ng mga miyembro ng National pool at suportado ng Speedo, Pocari Sweat, at Philippine Sports Commission (PSC) .
Tinalo ni Ajido mula sa FTW Royals Swim sina Rodevic Gonzalvo (59.33) at Kristian Cabana (1:00.08) sa 100-m fly, pagkatapos ay ginapi ang karibal na sina Jet Berueda (25.68) at Elijah Ebayan (25.87) sa 50-m free.
Ang beteranong SEA Age Championships medalist ay nanalo sa boys 14-15 100-m backstroke (1:01.01) at 200-m Individual Medley (2:12.57) sa pagbubukas ng torneo nitong Huwebes.
Gayundin, tiniyak ni Mojdeh, isang semifinalist sa World Junior Championships noong nakaraang taon sa Israel, na mapapabilang ang kanyang pangalan sa PH training pool nang magwagi siya sa girls 16-18 200m breaststroke (2:40.42) laban kina Reiko Uy (2:47.50) at Sealtiel Daiz (2 :48.45), para lagpasan ang QTS (2:40.42).
Ang Fil-American na si Riannah Chantelle Coleman, isang iskolar sa National Sports Academy (NAS) sa Tarlac, ay patuloy na nagpakitang- gilas matapos manguna ang 15-anyos na stunner sa girls 14-15 200-m breast sa oras na 2:43.55 para sa isa pang pagbura sa QTS (2:45.54). Tinalo niya sina Krystal David at Asian Age Group Championships campaigner Kyla Louise Bulaga (2:50.63).
Binura ni Coleman, premyadong panlaban ng Dax Halili Swim Club, ang 33.98 QTS para sa mga babae 14-15 50-meter breaststroke na may winning time na 33.96 nitong Huwebes.
Sumalo sa Day 2 limelight sina Filipino-American Gian Santos at Miranda Cristina Renner, Fil-Mongolian Enkhmend Enkhmend, at Fil-British Jarold Hatch. Inangkin ng California-based na si Santos ang kanyang pangalawang QTS (2:22.78) nang manalo sa boys 16-18 200-m breast sa oras na 2:18.30, si Enkmend ay bumida sa 14-15 class na may oras na 2:24.19 (2:24.49), habang si Renner ang nanguna sa girls 19-over 50-m free (26.26) at si Hatch, ang Paris Olympian, ay nangibabaw sa kapwa Fil-British rival na si Chales Belloti (24.06) sa boys 19-over 50-free, sa naitalang 23.86.
Ang iba pang gold medalist sa Day 2 ay sina Behrouz Mohammad Mojdeh sa boys 11-12 200-m breaststroke (2:42.50); Lucio Cuyong (19-over, 2:23.29); Sophia Rose Garra sa girls 11-13 200-m breast (2:51.46); Shairinne Floriano (19-over, 2:43.65), Richard Navo sa boys 11-13 50-m freestyle (26.82); Anika Kathryn Matiling sa girls 11-13 50-m free (29.12); Paulene Beatrice Obebe (14-15, 28.78); Miranda Cristine Renner (19-over, 26.26); Arvin Naeem Taguinota sa boys 11-13 100-m butterfly (1:03,88); Joshua Ang (19-over, 54.38); Liv Abigail Florendo sa girls 11-13 100-m fly (1:08.27); Kyla Bulaga (14-15, 1:08.37); Shairinne Floriano (19-over, 1:04.13);
CLYDE MARIANO