PLANONG palawakin ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang kanilang COVID-19 molecular diagnostic laboratory na magsusuri ng ibat ibang uri ng impeksyon o sakit.
Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, isasama na nila ang non-COVID o iba pang mga sakit na nangangailangan ng molecular diagnostic laboratory.
“Sa ngayon ay kakaunti lamang ang sumailalim sa pagsusuri sa COVID-19 hindi tulad noong panahon ng pandemya dagsa, nitong nakaraang buwan halos zero positive tayo, “dagdag ng alkalde.
Ang nasabing laboratoryo ay nilagyan ng apat na makina at may mga bihasa ng mga medical personnel.
Plano ng lokal na pamahalaan ng Marikina na simulan ang pagpapatakbo ng kanilang 10-storey treatment at diagnostic hub sa unang bahagi ng taong ito.
Ang treatment at diagnostic hub ng lungsod ay magkakaroon ng dialysis center, diagnostic laboratories na may magnetic resonance imaging, ultrasound at CT scan imaging, dental station, surgical room, at hospital bed para sa in-patient at out-patient services.
Pagkatapos ma-diagnose ang pasyente ay doon na rin magpapagamot dahil malapit lang sa ospital ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center kung saan nasa isang compound lang ang lokasyon.
“We’re expecting it to be operational three months from now,” anang alkalde.
ELMA MORALES