MOLNUPIRAVIR, UNANG COVID-19 ORAL TREATMENT, IPINAMIGAY SA MAYNILA

INIHATID ng Faberco Life Sciences, Inc. kamakailan ang unang batch ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa pamahalaang lungsod ng Maynila sa seremonyang ginanap sa COVID-19 Field Hospital sa Luneta.

Tinanggap nina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, at Doc Willie
Ong ang oral medicine. Ang City of Manila ang unang Local Government Unit na bumili ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa Faberco Life Sciences, Inc. Ang Santa Ana Hospital sa pamamagitan ng Compassionate Special Permit (CSP) na inisyu ng Philippine Food and Drug
Administration ang tumanggap sa batch of allotment para sa Manila
LGU.

Ang Molnupiravir ang unang first oral antiviral drug na kayang sugpuin ang mild to moderate
cases ng COVID-19 mula sa pagiging matindi na maaaring mauwi sa pagkakaospital.

Ito ay iniinom at hindi itinuturok.

Kahit hindi pa available sa komersiyo, ang Faberco Life Sciences, Inc. kasama ang RiteMED, ipinamamahagi ang MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa mga ospital, medical institusyon, at mga lugar ng paggamot sa ilalim ng compassionate use na nagpapahintulot sa mga institusyon upang bumili at mamahagi ng mga produktong pinag-aaralan, o ang mga naghihintay pag-apruba para sa agarang paggamit sa mga sitwasyong pang-emergency.

Ang Faberco Life Sciences Inc. (FLS), ay isang Philippine biopharmaceutical organization, na nakatuon sa pagbibigay ng mga makabago, mataas na angkop na mga produkto ng parmasyutiko sa pampubliko at pribadong sektor ng kalusugan.