MOMENT OF TRUTH (Pacman, Thurman mag-uupakan na)

Pacman, Thurman

KAPWA pasok sa timbang sina Manny Pacquiao at Keith Thurman sa isinagawang weigh in sa Las Vegas, Nevada kahapon bago ang kanilang bakbakan para sa WBA welterweight title.

Ang dalawang fighters ay parehong tumimbang ng 146.5 pounds.

“It’s gonna be a good fight cause I want to prove something. I’m so focused for this fight. I’m ready for tomorrow,” wika ng 40-anyos na Filipino ring icon na ipinagbunyi ng Filipino fans.

Ayon kay  Pacquiao, plano niyang turuan ng leksiyon si Thurman.

“I want to teach him, like a professor,” anang fighting senator na mas matanda ng 10 taon kay Thurman.

Aniya, mas nasa kondisyon siya ngayon kaysa noong harapin niya si Adrien Broner noomg Enero kung saan nagwagi ang Pinoy boxer sa pamamagitan ng unanimous decision.

“This was one of the best training camps that we’ve had and the best conditioning. So it’s all set for tomorrow,” ani Pacquiao, ang tanging 8-division world champion sa kasaysayan ng sport.

Hindi naman natinag si undefeated American Thurman (29-0-1) sa pahayag ng Hall of Famer bago ang pinakamalaking laban sa kanyang career.

“It is my time,” anang dating unified welterweight world champion, na hinawakan ang WBA title magmula noong 2015.

“I will still be champion tomorrow night. Manny Pacquiao ain’t doing nothing to me baby!”

Ang dalawa ay magsasagupa sa MGM Grand kung saan liyamado ang Filipino ring icon na maaagaw ang titulo kay Thurman.