HINDI na maipalalabas sa TV ang pag-guest ni Sarah Geronimo sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice dahil hindi raw diumano nagustuhan ng nanay ni Sarah na si Mommy Divine ang mga naging katanungan ni Vice sa actress.
Wala raw pakialam ang nanay ni Sarah kung may magalit, basta ang importante raw ay hindi puwedeng ilabas ang naturang show na kung saan nga guest si Sarah para sa promotion ng kanyang movie na Miss Granny.
Tanong ng masa ay masama ba ang mga naitanong o napag-usapan nina Vice at Sarah that day, na tila hindi raw kinaya ng mother dear ni Sarah kaya pinatitigil niya ang show na maipalabas?
Totoo raw ba tinanong ni Vice si Sarah kung nakatulog na ito na may katabing kasintahan? May tanong din daw ba sa actress kung nakipag-momol na? At kung may tanong daw ba kung minsan ay nakapanood na si Sarah G ng porn movie?
Kung totoo yan nga ang ilan sa katanungan o napag-usapan nina Vice at Sarah sa show ay masama raw ba kung naging tapat lang si Sarah na sagutin ang mga naging katanungan ni Vice Ganda sa actress?
Sabi tuloy ng mga naaawa kay Sarah, at 30 years old ay may karapatan na raw si Sarah na gawin ang gusto niya. Hindi na raw niya dapat ikatakot kung magalit man o hindi ang kanyang nanay sa mga gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.
Sabi naman ng mga kampi kay Mommy Divine, may karapatan daw ang sinumang magulang na protektahan ang kanilang anak kung sa palagay nila ay makasasama ito sa imahe ng kanilang anak.
Anyway, balita ring napag-usapan din nina Vice at Sarah ang tungkol sa dinanas nitong depression at burn out sa showbiz career. Kasama na rin daw ang plano nitong pag-aasawa.
Marami ang nanghinayang sa pagpapatigil sa show ni Vice Ganda dahil maganda at marami raw sanang mapupulot na aral ang mga manonood. ‘Yun nga ay hindi na ito mailalabas at mapapanood dahil sa umiral na naman ang pagiging protective mother ng actress.
Well, knowing Vice ay magagawan niya ng paraan na mailabas ito. Ang tanong lang ay kung kailan maisisingit ni Vice na mapanood ito ng mga tagasubaybay ng Gandang Gabi Vice.
o0o
NANG mag-guest sina JM de Guzman at Barbie Imperial sa Tonight With Boy Abunda last Monday ay nagbigay ng kani-kanilang mensahe ang dalawa para sa kanilang naging karelasyon.
Sa segment na Truth or Dare ay Truth ang nabunot ni JM at ang naging tanong sa kanya ni Kuya Boy ay kung ano ang gusto nilang sabihin sa kanilang naging karelasyon kung nanonood ang mga ito.
Sagot ni JM, “Hi, hello. Good luck and I`m really happy for you. I`m proud of you. Thank you for being part of my life.”
Kahit hindi pinangalanan ni JM kung sino ang girl ay alam naman ng lahat na ang huling naging seryosong nakarelasyon nito ay si Jessy Mendiola na ngayon ay karelasyon ni Luis Manzano.
Ang naging mensahe naman ni Barbie sa ex-boyfriend ay medyo nakaiintriga.
“Masaya ako, sana ikaw din. Napatawad na kita,” pahayag ni Barbie na kahit walang tinukoy na pangalan ay alam naman ng lahat na si Paul Salas ang huling na-link sa kanya. At kamakailan lang ay naging controversial sila dahil nang mag-hint ang mestisang actress sa kanyang social media account na tila naging battered girlfriend.
Pero hindi na ito sinagot ni Paul at nanahimik na lang ito like a gentleman since babae nga si Barbie. Ang mga kaibigan ni Paul at maging ang ama nito ang sumagot para idepensa na hindi magagawa ito ng actor.
Comments are closed.