Mommy soldier

Anong buhay mayroon ang isang sundalo at ang kanyang pamilya? Mahirap. Napaka-stressful ng buhay militar sa pamilya. Matagal na nagkakalayo ang pamilya, mabilis ang takbo ng buhay, inconsistent ang training schedules, laging ginagabi sa opisina at lagi kang natatakot na baka isang araw, umuwi na lamang ang sundalong patay na o may malalang mental and physical injuries.

Retired colonel si Helen Estrada Nava na nagsilbi sa Philippine Army ng napakaraming taon, Isa rin siyang ina sa dalawang magandang dalagang sina Charlene at Chelsea, at asawa ni retired colonel Carlo Nava. Kasalukuyan siyang naninirahan ngayon sa United States.

Tungkulin ng armed forces na protektahan ang bansa. Sa totoo lang, hindi ito ang unang pangarap ni Helen o Len sa kanyang mga kaibigan. Una niyang pinangarap na makatapos ng Foreign Service course para maging diplomat o kahit maging flight stewardess man lamang. Sinubukan niyang mag-apply noong 17 years old siya sa Philippine Airlines pero dahil uderage, hindi siya natanggap.

Hindi rin niya natapos ang Foreign Service dahil kinailangan niyang lumipat sa Rizal Technological University na mas malapit sa bahay nila sa Pasig. Dahil likas na malakas ang loob, pumasok siya sa Army sa panahong hindi pa gaanong pinapasok ng kababaihan ang military. Nagsimula siya sa mababa, at unti-unti niyang naabot ang hindi niya pinangarap man lamang na marating.

Sa ilitar niya nakilala si Carlo Nava na siyang naging ama nng kanyang dalawang anak na sina Charlene at Chelsea. Dito na rin nagsimula ang hirap ng pagsasabay-sabay ng pagiging asawa, ina at aktibong militar na naipapadala sa mga misyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Wala kaming katulong kaya ako lahat ang maglalaba, magluluto, maglilinis ng bahay at kung anu-ano pa,” ani Helen. “Pag napapadala ako sa misyon at mawawala ako ng ilang araw, minsan, mahigit tu
Inaamin niyang mahirap talaga ang buhay sunndalo. Bilang ina, dapat ay ang mga anak niya ang kanyang priority.

Pero wala siyang magagawa.Nakatira sila sa Department of National Defense compound, at ang pinagkukunan nila ng ikabubuhay ay ang military. Sa puso niya ay ang kanyang mga anak ang kanyang prayoridad, ngunnit sa isip at diwa, mayroon siyang tungkulin sa bayan, nasa laban man siya o wala. Tungkulin ng sundalong maglingkod sa bayan at inaasahan ng lahat, maging ng kanyang mga anak, na magsisilbi siya sa bansa selflessly, at handing isakripisyo ang kanyang buhay para dito.

Sa kabila ng mga sakripisyo, ang dalawang anak ni Helen ang kanyang inspirasyon.

“Kapag pinaghihinaan na ako ng looob, yakap lang nila, lumalakas na uli ako,” sabi pa ni Helen. “Pag sinasabi nilang

‘Kaya mo yan Ma, ikaw pa’nabubuhayan talaga ako ng pag-asa. Ayoko silang i-disappoint. Proud to say that my greatest achievement is not money, material things or recognition but rearing my wonderful daughters.”

Masasabing espesyal ang military children dahil meron silang strong sense of service — marahil dahil lumaki sila sa kanilang military parents na araw-araw nagsisilbi at nagsasakripisyo para sa bayan. Sabi nila, istrikto raw ang military parents. Pero hindi sina Helen at Carlo. Pareho man silang sundalo, binibigyan nila ng kalayaan ang kanilang mga anak na magpasiya para a kanilang mga sarili.

Kailanman, hindi nagdarahop ang military children dahil may access sila sa steady income, libre ang bahay kung wala pang pambili, may child development centers, comprehensive health care at iba pang educational benefits/assistance. Kumara sa mga kaibigang sibilyan, mas may disiplina sa sarili ang mga military kids, na nadadala nila hanggang paglaki. Sa kaso ni Helen, napag-usapan na raw nil ani Carlo na sundalo lamang sila kapag nasa duty o nasa opisina. Kapag nasa bahay, ordinaryong pamilya lamang sila. Ordinaryong ina at asawa siya, at ang kanyang mga anak ay ordinaryong anak din.

Sa kabila ng kasimplihang ito, maraming parangal ang nakamit ni Helen, kasama na rito ang Teodora Alonzo Award.

“Sobrang proud ako sa misis ko,” ani Col. Carlo Nava. “Aside from being a wife and a mother, she has done so many things to help others people and also at the same time had excelled in her chosen profession in the military. She had proven that gender is not a factor and advocated equal opportunity in a male dominated field of work.”

Kahit si Chelsea na mahiyain at bihirang magsalita ay hindi nakatiis na purihin ang kanyang ina. “My mom is a champion of women’s empowerment. She has a clear vision and goals for herself and her family, and works tirelessly to achieve them. Despite her many accomplishments, she remains selfless and humble. She sets a great example to us and teaches us the importance of hard work, perseverance, and helping others. Above all, she is a loving mother who cares deeply about her family and their well-being. An Incredible role model and someone to be admired and respected.”

Sa retirement nilang mag-asawa, tumaas sila ng isang ranggo kaya kapwa sila Brigadier Generals ngayon. Pero si Helen, wala siyang pakialam sa mga ranggo-ranggong yan. Ang mahalaga sa kanya ay napalaki niyang mabubuting tao ang kanyang mga anak. Masasabing isa siyang ulirang ina at asawa.KNM