MONEY CLAIMS NG OFWs MAPADADALI NA

INAPRUBAHAN na sa ikalawang pagbasa ang panukala para sa pagbibigay ng proteksiyon para sa money claims ng mga overseas Filipino worker.

Isinusulong ng House Bill 1700 na inihain nina Akbayan Rep. Tom Villarin at ANGKLA Rep. Jesulito Manalo ang equal protection sa money claims sakaling ang isang OFW ay mawalan ng trabaho sa abroad.

Inaamyendahan ng panukala ang RA 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Layunin ng panukala na matulungan ang mga OFW na makuha ang kanilang placement fee, deduction fee at ang sahod mula sa natirang mga panahon sa trabaho.

Kasama rin sa panukala ang pagtanggap ng kompensasyon ng isang OFW na basta na lamang sinibak sa trabaho nang walang sapat na dahilan.   CONDE BATAC

Comments are closed.