Money Market: Paano mag-invest?

Konti lang ang pera mo. About P5000 lang. paano mo ito palalaguin?

Sa ordinary Filipino setting, magtitinda ka – either sari-sari store, halo-halo, at ang pinakasikat ngayon, online selling. Okay naman yon, pero paano kung may trabaho ka naman at hindi mo ito pwedeng iwan? Sayang naman angsweldo. Isa pa, walang 13th month sa pagtitinda. Besides, sayang ang mga benefits tulad g SSS, vacation leave, sick leave, Philhealth at PAG-IBIG.

Dyan papasok ang money market. Pero ano ba yon? Tagal ko nang naririnig yan, pero hindi ko pa rin alam. Ang money market at trading sa napakaikling panahon ng debt investments. Malabo pa rin? Paliwanag pa more.

Sangkot dito ang large-volume trades sa pagitan ng mga institusyon at traders. Sa retail level, kasama ang money market mutual funds na binibili ng individual investors at binubuksan ang money market accounts ng bank customers – ikaw yon. Sigurado ang money market pero medyo mababa ang rates of return. Kung isa kang bank saver, magtanong ka sa bangko mo kung ano ang money market, at kung paano mo ito gagawin gamit ang savings mo.

Sa money market, sangkot ang pagbili at pagbebenta ng malalaking volume ng very short-term debt products, tulad ng overnight reserves o commercial paper. Pwedeng nag-invest sa money market sa pagbili ng money market mutual fund, Treasury bill, o pagbubukas ng money market account sa bangko. Safe ang money market investments at madali ring i-liquidate, dahil piso-piso lang ang usapang kita dito. Mas marami kang investment, mas malaki ang kita. Medyo mas malaki lang ng konti ang interest ng money market accounts sa normal savings account. Yun nga lang, mas malaki ang minimum account at limitado ang withdrawals.

Ang money market ay isa sa mga haligi ng pandaigdigang financial system. Sangkot dito ang overnight swaps ng malalaking halaga sa pagitan ng mga bangko at sa gobyerno. Karamihan sa mga transaksyon sa money market ay wholesale transactions sa pagitan ng financial institutions at mga kumpanya. Mga bangkong nagpapahiram ng pera sa malalaking kumpanya, eurocurrency at time deposit markets; mga nagbebenta ng commercial paper, at investors na bumibiliu ng bank CDs kapalit ng park money sa maikling panahon.

Sa wholesale market, pinakasikat ang commercial paper na paraan ng panghihiram dahil mas mataas ang interest rates nito sa time deposits o Treasury bills, at mas malawak ang range of maturities – isang agdamag hanggang 270 days – mamili ka na lang. Gayunman, may risk. In other words, pwede ring malugi. Ikaw, magdesisyon ka. Malay mo, swerte ka pala dito.

Tandaan mo, lahat ng bagay sa mundong ito ay sugal. Kung hindi ka tataya, hindi ka mananalo. NLVN