LUMAGO ang money supply ng bansa ng 11 percent noong Hulyo, mas mabagal sa 11.8 percent na naitala noong Hunyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng BSP, ang domestic liquidity o M3–ang pinakamalawak na sukatan ng pera na kumakalat sa financial system–ay nasa P11.1 trillion noong Hulyo kumpara sa P11.06 noong Hunyo.
“The overall growth in M3 remains in line with the BSP’s prevailing outlook for inflation and economic activity,” ayon sa BSP.
Sinabi ni BSP Governor Nestor Espenilla Jr. na ang 11-percent growth sa liquidity ay sapat pa rin para sa ekonomiya.
“It does not reflect the tighter monetary conditions due to the foreign exchange interventions of the BSP to manage peso volatility. Nevertheless, credit remains strong at more than 19 percent,” ani Espenilla.
Patuloy na mahigpit na babantayan ng BSP ang domestic liquidity dynamics upang matiyak na ang monetary conditions ay nananatiling kaaya-aya sa pagpapanatili ng price at financial stability.
Comments are closed.