PINARANGALAN sa second annual MoneyGram Idol Award ang 12 OFW families at kanilang mga kaanak na walang pagod na nagtatrabaho sa ibang bansa para makapagpadala ng pera, sa isang seremonya na idinaos sa Solaire Resort.
Ang 12 main prize winners ay tumanggap ng P30,000 cash, at isang all-expense-paid-trip sa Manila kung saan mananatili sila ng tatlong araw kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay sa isang luxury resort.
Bukod dito, 30 lucky winners ang nagwagi ng P5,000 cash.
Ang awards ay ipinagkaloob sa isang natatanging gabi ng selebrasyon na dinaluhan ng key regional leaders ng MoneyGram at ni MoneyGram brand ambassador Robin Padilla.
“We are here for the OFWs not only to enable them send to money to their families back home in a convenient and fast manner but we also want to bring them closer to their relatives. We established the MoneyGram Idol Awards to recognize the everyday struggles of families of 12 million Filipinos living and working abroad,” wika ni Yogesh Sangle, MoneyGram’s head ng Asia Pacific, Middle East at South Asia, na nagbigay ng awards sa gala ceremony.
Ang mga ginawaran ng 2018 MoneyGram Idol Awards ay sina Michelle Gomez at Emilia Moncada ng Cavite, Remie Magkalas at Rose Cabilen ng Laguna, Jade Colaljo ng Iligan City, Aldrich Pablo ng Cabanatuan City, Cecille Acantalicio ng Camarines Sur, Ryan Deyto ng Caloocan City, Jophil Cabahug ng Cebu, at Marilyn Ayson, Merline Faigmanio at Mary Jane Toling ng Quezon City.
Magkakaroon sila ng pagkakataon na dalhin ang kanilang mga minamahal sa buhay para sa maikling reunion sa pamilya.
Comments are closed.