NAWASAK ng peste ang apat sa 15 ektarya ng mongo (mung bean) farms sa bayan ng Bani sa Pangasinan, ayon sa report ng Municipal Agriculture Office.
Sa isang panayam, sinabi ni municipal agriculturist Jeffrey Pamo na ang mga pest — powdery mildew and powdery worms – ang responsable sa pagkasira.
“The typical 15 sacks of mongo per 15,000 square meters (1.5 hectares) have now gone down to 10 sacks because of the pests,” sabi niya.
Ang PHP65 farmgate price ng mongo bawat kilo ay tumaas sa P70 dala ng limitadong ani sa merkadong lokal, dagdag niya.
Iniugnay ni Pamo ang pag-atake ng peste sa naranasang ulan ng huling bahagi ng 2019, na nagbunsod sa kanila na lumabas ng kanilang bahay at ubusin ang halaman.
Siniguro niya na napigilan na ang pagkasira.
“We have controlled the pests through application of pesticide over surviving vegetation. So far, the damage has been contained,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Pamo na pinayuhan na niya ang mga magsasaka para mapanatili ang kalinisan sa buong sakahan, lalo na ang maliliit na dike na nakapaligid sa mga halaman.
Maganda ang pananaw na makababawi sila sa susunod na anihan.
Maliban sa mongo, ilang plantasyon ng gulay tulad ng kamatis at talong ang winasak ng peste. PNA
Comments are closed.