MONKEYPOX NAGSISIMULA NANG KUMALAT-WHO

NANINIWALA  ang World Health Organization (WHO) na posibleng ito pa lamang ang simula ng pagkalat ng monkeypox virus.

Ayon kay WHO Epidemic and Pandemic Preparedness and Prevention Chief Sylvie Briand, ito ay matapos na makapagtala ng mahigit 200 kaso sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Aniya, hindi normal ang nagaganap na pagkalat ng naturang virus na na-detect sa ibang bansa tulad ng US, Australia, United Arab Emirates at ilang bansa sa Europa.

Ginagawa naman ng WHO ang kanilang makakaya para mabantayan ang pagkalat ng monkeypox virus.

Nanawagan din ito na huwag mag-panic ang publiko. DWIZ882