WALANG kaso ng monkeypox virus sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health, walang naitatalang kaso ng monkeypox sa bansa kahit sa mga borders nito.
Una nang napaulat na mayroon nang monkeypox sa Europa, America, Canada at United Kingdom.
Sa abiso ng World Health Organization (WHO), ang monkeypox ay isang viral disease na mula sa hayop na karaniwang natatagpuan sa tropical rainforest areas sa Central at West Africa.
Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, rashes, at swollen lymph nodes.
Natuklasan na ang nasabing sakit ay nakukuha sa pamamagitan ng close contact sa isang apektadong tao o hayop o sa contaminated materials.