MAKARAANG ideklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang rainy season nitong Mayo 29, kasunod ng anim na araw na pag-ulan dahil sa bagyo, bumalik ang mataas na temperature.
Kaya naman naramdaman ang maalinsangang panahon sa bansa.
Katunayan nito, sa bayan ng Guian, Eastern Samar ay nananatiling mataas ang temperatura at noong Linggo, Mayo 26 kung kailan nananalasa ang bagyo sa Region 4, at sa Kabisayaan, sumirit ng hanggang 55 degrees Celsius ang heat index sa Guian, Eastern Samar.
Sa paglisan ng bagyo, ay bahagyang humupa ang damang init sa nasabing lugar
Subalit naitala ang monsoon break o pansamantalang paghina ng Habagat kaya balik na naman sa mainit na panahon.
Nitong May 30 ay sumirit sa extreme danger heat index ang lugar kung saan sumampa sa 53 degrees Celsius ang damang init.
Kung nagtataka na sa deklarasyon ng PAGASA ay rainy season ay mataas pa rin ang sikat ng araw, sadyang ganito ang kalikasan.
Ang mga prediksyon o pagtaya sa panahon ay kahit kailanman hindi magiging perpekto.
Walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari.
Ang mga pagtaya ay batay sa siyensiya subalit hindi 100 percent na tama.
Kaya ang sangkatauhan ay dapat maging mapagbantay at alamin ang mga gagawin sakaling sumalungat ang pagtaya sa panahon.