NAGING emosyunal si Monsour del Rosario nang usisain at tanungin ko ang isang parte ng kanyang kahapon ang maituturing na nagpatatag sa ngayon sa kanyang buhay.
Iyon daw ay noong kinailangang dalhin siya ng mga magulang niya sa Amerika na sa kalaunan ay nagkahiwalay. Doon daw nagsimula ang kalbaryo niya bago nakabalik dito para magkaroon ng panibagong buhay sa mundo ng palakasan at showbiz.
He did odd jobs. Kumain ng mga tira kung saan siya nagtrabaho bilang waiter. Hindi na niya kinaya itong alalahanin. Nag-bungkal ng basura para lang makaraos.
Ilang beses din naman siyang nadapa sa pagtakbo sa larangan ng politika.
May ibang hamong idinulog ang pagkakataon ngayon sa Kongresista, nang anyayahan siya ni JunJun Binay para maging run-ning mate nito as Vice Mayor ng Makati sa darating na halalan.
May basbas naman ng Pangulo na tumakbo ngayon si Monsour sa nasabing posisyon kahit pa nahihirapan siya sa mga nag-uuntugang bato sa pagitan ng dalawang Binay na kapwa tatakbo sa parehong posisyon sa Makati.
Ang maganda sa prinsipyo ni Monsour sa mula’t mula ay ang taos-pusong pagtulong maging sino pa man ang lalapit sa kanya, kalaban man o kakampi sa politika.
“I was able to assist a child afflicted ng leukemia. Kinuwestyon ako noon kung bakit ko tinulungan ang bata na hindi namin supporter ang magulang at kaanak. Gumaling ang bata at lubos ang pasalamat sa akin.
“As a Congressman now, I have passed 51 bills as principal author in my three years in Congress. I co-authored almost 200 bills. Kaya, hindi ko naman matatanggap ang akusasyon sa akin na wala akong ginawa sa pag-upo ko bilang Kongresista. May nala-labi pang budget sa akin na gusto ko pa ring magamit ng ating mga kababayan. Kaya hindi ko naman matatanggap na sabihan ako na Taekwondo lang ang inaatupag ko. Pero bilang isang atleta sa mula’t mula pa, kung para sa bayan natin ang nagampanan ko as Chef de Mission of the National Team, talagang paglalaanan ko ito ng prayoridad at talagang gagawin kong maabot na mag-uwi hindi lang ng bronze at silver kundi gold medals na siyang nangyari.”
Tunay na kalinga ang nais na maipadama at magawa ni Monsour sa tambalan nila ni Junjun sa darating na eleksiyon.
Nasaksihan na ni Monsour ang maraming pagkakataong naghahanap ng tamang sagot sa isip niya. Mga nakararating na balita halimbawa sa mga gastos sa mga gamit at serbisyo bilang mga nagsisilbi sa Lungsod niya.
Nakagawa ng paraan si Monsour bilang Kongresista na makagawa ng 41 flood control and road work projects kaya hindi na magdurusa sa baha ang Makati.
Kaya kung sinuman ang bumili ng 10 speedboat para sa baha na sobra-sobra raw ang presyo eh, sa ibang venue na ito puwedeng gamitin.
Magkano nga?
Kaya ang aming adVICE sa mga taga-Makati eh, ganito: #ViceKoSiMonsour!
Comments are closed.